Bumisita sa Camp Karingal at QC Female Dormitory sina Mayor Joy Belmonte at C40 Cities Co-Chair at Freetown Mayor Yvonne Aki-Sawyerr para tingnan ang kanilang inklusibo at makakalikasang programa.

Ibinida ni QCPD Director PBGen Redrico Maranan sa mga alkalde ang kanilang “Green Camp,” bilang nag-iisang kampo ng pulis sa bansa na nagsusulong mga adbokasiya ukol sa pangangalaga sa kalikasan.

Mayroon din itong mga urban garden, maayos na waste segregation system, rainwater harvesting system, at solar lights.

Ipinakita naman ng QC Female Dormitory, sa pangunguna ni JCInsp Lourvina Abrazado, ang “No Women Left Behind” program ng lungsod na nagbibigay ng oportunidad sa mga persons deprived of liberty (PDLs), para makatulong sa kanilang pamilya at maihanda sila sa kanilang reintegration sa komunidad.

Nagbigay si Mayor Yvonne kina Mayor Joy at PBGen Maranan ng tree sapling bilang simbolo ng pasasalamat ng C40 Cities at Freetown sa mainit at malugod na pagtanggap ng lungsod sa kanila.

Si Mayor Yvonne, kasama ang mga kinatawan ng iba-ibang bansa ay dumalo sa C40 Cities Southeast Asia Regional Academy na nagtapos noong Biyernes.

#UnitedinAction#TayoAngQC#QC85th#C40inQC

+68