Binigyang importansya ni Mayor Joy Belmonte ang mga suhesyong proyekto ng Barangay San Antonio council ngayong araw ng mamamayan sa ika-unang distrito.

Kabilang sa hiniling ni P/B Daniel Berroya ay ang pagkumpleto sa mga drainage projects, pagsasaayos ng retaining wall upang maiwasan ang pagbaha sa barangay, at pag-install ng streetlights.

Tinalakay din ang pabahay para sa iSFs, dagdag na parke, at Material Recovery Facility para sa barangay.

Kasama ng alkalde sa pulong sina Majority Floor Leader Coun. Doray Delarmente, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at City Engineer Atty. Dale Perral.

#TayoAngQC