Nakatanggap ng Certificate of Accreditation ang QC Kabahagi Center for Children with Disabilities bilang isang dekalidad na training facility para sa Occupational Therapy at Physical Therapy Interns.
Ang Quezon City Government ang nag-iisang LGU sa NCR na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED) para sa pagsasanay sa community-based practice setting ng Physical Therapy at Occupational Therapy programs.
Sa pamamagitan nito, mas maraming indigent children with disabilities at kanilang pamilya ang matutulungan ng programa.
